賃貸住宅

横浜市居住支援協議会の相談窓口について

高齢の方、障害がある方、収入の少ない方、外国籍の方、子育て中の方など、住宅の確保に配慮を要する方の住まい探し等を支援します!

English / 英語
中文 / 中国語
코리아어 / 韓国朝鮮語
Español / スペイン語
ภาษาไทย / タイ語
Tagalog / タガログ語
नेपाली / ネパール語
Tiếng việt / ベトナム語
Portugués / ポルトガル語
やさしい にほんご

Ukol sa Tanggapan ng Yokohama City Housing Support Council

Kami ay sumusuporta sa mga pangangailangan ng mga dayuhang residente, matatandang tao, mga taong may kapansanan, may maliit na sahod o yaong nangangalaga ng bata, atbp., sa paghahanap ng lugar na matitirhan.

Ano ang Yokohama City Housing Support Council?

Ang Yokohama City Housing Support Council ay isang organisasyon na itinatag noong Oktubre 2018 alinsunod sa Artikulo 10 ng “Batas na Itinataguyod na Bigyan ng Pagsasaalang-alang na makakuha ng Pabahay ang mga taong may Espesyal na pangangailangan sa Paupahang bahay”.

Sa Yokohama City Housing Support Council, dito tinatalakay ang mga kinakailangang hakbang para makamit ang maayos na pagpasok sa mga pribadong paupahang bahay at ang pagsuporta sa mga taong nangangailangan ng matitirahan.
Ang layunin ng organisasyong ito ay upang makakamit at makasiguro sa pagkuha ng pabahay ang mga taong nangangailangan ng matitirahan, at mag-ambag sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga mamamayan para sa isang matagumpay at matiwasay na lipunan sa siyudad ng Yokohama.

Gabay sa Tanggapan ng Konsultasyon

Ang Yokohama City Housing Support Council ay nagtatatag ng isang tanggapan upang tumugon sa konsultasyon para sa mga taong nangangailangan ng pagsasaalang-alang para sa pagkuha ng pabahay.
Sa Tanggapan ng konsultasyon nagbibigay ng impormasyon ukol sa iba’t-ibang uri ng pabahay, pati na rin ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga garantiya sa upa at mga serbisyo sa pagsusubaybay.

* Kung nais mong kumonsulta sa isang wika maliban sa Hapon, mangyaring makipag-ugnayan sa amin dito “NPO Kanagawa Housing Support Center for foreigner

TEL (wikang Hapon lamang)

045-451-7812

* Oras ng Tanggapan: Lunes hanggang Biyernes 10a.m.-5p.m. (sarado ng Holiday at New year)

FAX (wikang Hapon lamang)

045-451-7813

Konsultasyon sa Tanggapan (wikang Hapon lamang)

Yokohama City Housing Development Public Corporation
〒221-0052
Yokohamashi Kanagawaku Sakaecho 8 banchi 1 Yokohama Portside Bldg. 4F

* Oras ng Tanggapan: Lunes hanggang Biyernes 10a.m.-5p.m. (sarado ng Holiday at New year)

Ukol sa NPO Kanagawa Housing Support Center for foreigner

Maari kang humingi ng payo tungkol sa paninirahan at pamumuhay sa wikang inyong naiintindihan.

Maari kang hanapan ng Fudousanten (Real Estate shop), alamin ang mga panuntunan sa paninirahan sa Japan o maari kayong suportahan sa pagsaling-wika kapag nagkaroon ng problema o trouble.

Mangyaring bisitahin ang website sa ibaba o makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng telepono o email.

* Maari kang kumonsulta sa 10 wika, tulad ng wikang Ingles, Intsik o Koreano.

E-mail

sumai.sc@sumasen.com

URL

http://sumasen.com/

TEL

045-228-1752

* Oras ng Tanggapan: Lunes hanggang Biyernes 10a.m.-5p.m. (sarado ng Holiday at New year)

FAX

045-228-1768

つくる、つなげる、再生する。

  • facebook
  • Instagram